Recognizing the Outstanding Contributions of Women Educators in Rural Education
Manila, Philippines – November 25, 2024 – The Multinational Foundation, Inc. (MFI), in partnership with the TOWNS Foundation, Inc., is proud to announce the launch of the Filipina Achievers for Rural Education Awards (FLORA) for 2024. This initiative recognizes and honors the exceptional contributions of Filipino women educators who have made a significant impact in rural education. Through FLORA, MFI celebrates women who have developed effective innovations to address the educational needs of students in underserved areas.
The FLORA are open for nominations in 2024 for Filipino women educators in basic, higher, and/or technical education based in 4th, 5th, or 6th class municipalities. Nominees must have developed and implemented educational innovations that activate critical citizenship among Filipino youth, addressing contemporary challenges faced by rural communities.
The theme for the 2024 FLORA Awards is “Activating Critical Citizenship among Filipino Youth through Rural Education.” The awards highlight projects that empower students to engage meaningfully with their communities, understand social issues, and contribute to the democratic process.
MFI believes that critical citizenship is a fundamental skill that helps young Filipinos become responsible, informed, and active participants in society. Through the FLORA, MFI hopes to honor women educators who have made strides in activating these skills, equipping the youth with the tools needed to address societal issues such as peace, social justice, and the impact of misinformation.
The Multinational Foundation, Inc. (MFI) is committed to promoting social responsibility, sustainability, and education. Through various programs and partnerships, MFI strives to address critical challenges in Philippine society, particularly in underserved communities.
The Outstanding Women in the Nation’s Service (TOWNS) Foundation, Inc. is a non-profit organization that recognizes and honors exceptional Filipino women who have made significant contributions in various fields. TOWNS Foundation serves as the organizing body for the FLORA Awards and is dedicated to empowering women leaders throughout the country.
Nomination and contact information can be found in floraph.com, the official website of the Filipina Achievers for Rural Education Awards (FLORA).
Tawag para sa Nominasyon: FLORA Awards 2024 na Magbibigay-Pugay sa mga Babaeng Guro sa mga Rural na Komunidad
Opisyal na inilunsad ng Multinational Foundation, Inc. (MFI), katambal ng TOWNS Foundation, Inc. ang Filipina Achievers for Rural Education Awards (FLORA) 2024, isang programang naglalayong kilalanin ang mga mahahalagang kontribusyon ng mga Pilipinang guro sa pagtaguyod ng rural na edukasyon.
Inilunsad ang FLORA sa unang bahagi ng 2022; at unang nagtawag ng nominasyon noong Marso 2022. Kinilala ang mga kauna-unahang pinarangalan noong Mayo 2023.
Ngayong taon, sa ikalawang paggawad ng FLORA ng nasabing karangalan, patuloy nitong pagtutuunan ng pansin ang nakapagpapabagong epekto ng edukasyon sa mga komunidad na nasa laylayan, partikular na sa kanayunan. Tema ng parangal ngayong taon ang “Activating Critical Citizenship among Filipino Youth through Rural Education” o “Pagpapalakas ng Kritikal na Pagkamamamayan sa Kabataang Pilipino, sa pamamagitan ng Rural na Edukasyon.” Binibigyang-diin ng tema ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kabataang Pilipino ng kasanayan at kaalaman upang makabuluhang makisangkot sa kanilang mga komunidad, tugunan ang mga isyung panlipunan, at aktibong makibahagi sa mga demokratikong proseso.
Sa pamamagitan ng FLORA, pinararangalan ng Multinational Foundation, Inc. ang mga babaeng guro na umalpas sa mga tradisyonal na metodo ng pagtuturo, upang magtaguyod ng inobasyon, kritikal na pag-iisip, at pananagutang panlipunan sa kanilang mga mag-aaral. Bukas ang parangal sa mga babaeng edukador sa primarya, sekondarya, at teknikal na edukasyon na nakabase sa mga munisipalidad na nasa ika-4, ika-5, o ika-6 na antas ng klasipikasyon.
Kinakailangang nagpakita ng inobasyon ang mga nominado sa pagharap sa mga hamon ng mga komunidad sa kanayunan; nagbigay-inspirasyon sa mga mag-aaral na makisangkot at tugunan ang mga isyung panlipunan; at bumuo ng mga programang naghihikayat ng aktibong pagkamamayan at pamumuno sa komunidad.
Kilala ang MFI bilang matagal nang tagapagtaguyod ng edukasyon bilang mahalagang kasangkapan sa pagpapaunlad ng bansa. Bahagi ng adbokasiya ng organisasyon para sa lipunan ang hubugin ang kabataang Pilipino na maging responsible, mulat, at aktibong kalahok nito. Sa pamamagitan ng iba’t ibang programa, nakatuon ang MFI sa pagtugon sa mga isyung panlipunan tulad ng misimpormasyon, katarungang panlipunan, at pagtaguyod ng kapayapaan sa mga marhinalisadong lugar. Katuwang ng MFI sa pag-organisa ng FLORA Awards ang TOWNS Foundation, Inc., isang organisasyong non-profit na kinikilala at nagbibigay-pugay sa mga natatanging Pilipina na may mahahalagang kontribusyon sa iba’t ibang larangan. Sa loob ng maraming dekada, sinuportahan at ipinagdiwang ng organisasyon ang mga babaeng lider upang mas mahikayat pa silang patuloy na magbigay-inspirasyon tungo sa pagbabago ng bansa.


Leave a comment